Ako
ay isang kabataang Pinoy ng henerasyon ngayon. Ako’y nakatayo dito na puno ng
pag-asa sa aking hinaharap. Natatanaw ko ang magandang bahaghari ng isang
maasahang bukas. Hindi ako natatakot na pasulong na sumugod sa laban. Isang
pribliheyo at karangaln sa akin ang maging isang Pinoy.
Mga
kababaihan at mga ginoo, magandang umaga.
“Filipinos
are worth dying for .” Ito ang tanyag na linya ng yumaong si Ninoy Aquino. Ito
ba talaga’y totoo o isang pahyag lamang? Ang mas mahalaga, bakit tayo
karapat-dapat nito?
Mano
po, opo, kagandahang-loob, at bayanihan ang ilan sa pagpapahayag at
pagpapakilala ng ating mayamang kultura at tradisyon na nagpatanyag sa mga
Pinoy. Kung kayang ipagmalaki ng mga sikat na artistang Pinoy ngunit tubong
Amerika tulad ni Apple de App ng Black Eyed Peas ang pagkamangha sa kultura,
tradisyon, at wikang Filipino, bakit hindi magawa ng karamihan sa ordinaryong
Pinoy?
Mula
sa sinaunang taon hanggang sa modernisasyon ngayon, mula sa bentilador nagging
air condiotioner, megapon naging magic sing, harana nagging panliligaw sa teks.
Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng malaking pagbabago at puwang sa ating
henerasyon.
Gayunman,
ang mga Pilipino ngayon ay tinabunan na ng modenisasyon. Sa halip na buhayin
ang pambangsang pagkakakilanlan., an gating kultura ay unti unti ng nawawala sa
utak ng mga Pinoy lalo na sa kabataan. Sila’y lubos na nagigipit sa bagong
teknolohiya para makabilang sa bagong nahuhumalingan ng bayan. Teknolohiya at
modernisasyon, kung aabusuhin ay magiging dahilan ng pagkalunod ng kultura.
Dahil sa modernisasyon, ang iba ay sumasabay sa agos at simpleng umaangkop sa
kulura ng iba.
Naalala
niyo ba si Juan Tamad na humiga lang para maghintay na mahulog ang bayabas sa
kanyang bibig? Ito ay maaaring mangyari sa atin na masyadong nagdedepende sa
teknolohiya at modernisasyon. Ito ay maaaring humantong sa pagkawala n gating
kultura. Kung karapat-dapat mamatay para sa mga Pinoy, hindi ba karapat-dapat
rin mamatay para sa ating kultura na siya mismong ating pagkakakilanlan?
Ako
ay tumatawag sa aking kapwa kabataan. Mayroon
pa ring trabahong dapat gawin. Simulan na nating ipulupot an gating mga
manggas, maghanda sapagbuhos ng pawis at mamuno sa halip na magpawalang bahala
nalang. Isaisip natin palagi na tayo ang susunod na magiging bloke o haligi ng
ating bansa. Samakatwid, tayo dapat ang taga dala ng sulo para magbigay ilaw.